NO MONEY, NO HONEY.

No money, no honey.

I have money, but still no honey, charot lang.

Grabe, enrollment day na naman sa Pilipinas! ibig sabihin, Money! money! money!

Aside sa enrollent pay, need din daw namin bilhan si Junior ng bagong uniform kasi masikip na daw sa kanya, ok, check.

Need din daw ng bagong medyas kasi maluluwang na lahat yong mga luma. Sabi ko kay nanay, lagyan nalang ng rubber band kasi noong nasa highschool pa ako, yon ang ginagawa ko, nag reply lang si ermats ng madaming “hahahaha”. Ok, check.

Brief din daw ni Junior. Ok, no problem.

Humirit pa si anak ko ng bagong bag. Sabi ko try ko lang or try niyang mag bag ng plastic. A little explanation with him na dahan-dahan lang sa gastos kasi hindi na ako makahinga. Alam ko na kasi ang kasunod pag nag oo agad ako, sapatos at kung ano-ano pa.

Three days super sale dito sa Dubai, 90% off daw starting today.  Sarap sana mag shopping kahit one piece lang na damit, kaso mas kailangan sa Pinas eh. I need to send almost P50K para sa lahat-lahat sa school at mga gamit ni Junior.  Pass muna ako sa sale, basta mabayaran ko lang muna lahat ng dapat unahin.

Grabe, no money na nga, no honey pa. Yong honey, sa cake ko nalang natitikman. 🙂

c8e400a9fe3d825786d9b7daaa548276_giving-money-to-the-poor-money-poor-people-with-no-money-clipart_800-505

 

Advertisements

Walang Pakundangan na Ganda.

Apat na araw na akong hindi pinapatulog nang bago naming boarder ah.

Actually, she just arrived four days ago, hindi naman sya bago dito sa Dubai para hindi niya alam ang “kalakaran” sa pagiging bed spacer. At her first day, 6am palang gising na si ate, aba pinatay ang AC at binuksan ang ilaw, haller, may natutulog pa kaya. Sabay nun ay nagising na din ako at hindi na makatulog ulit.  Gusto ko siyang murahin kaya lang first day pa naman, pwede pa siyang i forgive.

Second day, hindi na niya pinatay ang AC (napagsabihan na sya ng kasama namin), pero binuksan pa rin ang ilaw kahit kaming lahat ay natutulog pa. Pagdating ng gabi, I informed her na sana hindi na nya buksan ang ilaw at gumamit na lang ng lampshade. Actually I offered mine to use it muna habang hindi pa siya nakakabili. Aba, ayaw, kasi hindi daw niya makikita yong mukha nya pag nag mi make-up kung gamit lang ang lampshade, what??? grrrrr!! gusto kong pasabogin ng bomba yong pagmumukha niyang kay ganda.

Third day, it’s still the same, wala pa ring pagbabago. So, gising na ako ng 6:30am istead of 7:30am, ligo by 7:00 at pumasok sa office na parang zombie.

Fourth day, nag message na ako kay land lady at nag request na lagyan nang separate switch yong dalawang ilaw, para at least kung isang ilaw lang ang gagamitin sa umaga hindi na ganun ka liwanag. Sabi ni landlady, kakausapin daw niya si make up girl or check niya kung magagawan ng paraan yong switch, which I believe pwedeng-pwede naman. Ayaw ata ni landlady gumastos.

Ganito ang buhay bed spacer. Gusto ko na sanang mag separate, pero super tight pa ang budget.  Ok lang naman sana eh, kaya lang hindi mo talaga maiiwasan na may mga taong inconsiderate, sarili lang ang iniisip at ang alam lang ay magpaganda. Haiz.

Ngayon, paano kung ayaw lagyan ni landlady nang separate switch at tuloy-tuloy na ang pagka inconsiderate ni make up girl? What’s my plan B?

Lipat bahay again. Haiz buhay.

huge.8.41305

Bangon Davao

Roxas Night Market Bombing

At least 14 people died while scores were injured after an explosion at the Roxas Night Market in Davao City on Sptember 2, 2016. Photo by Manman Dejeto/Rappler

Hindi ko na talaga ma take ang nangyayari sa buong mundo. PERO mas hindi ko ma take yong mga nababasa ko sa Facebook kahit dummy account pa sila.

“Davao? may bombing? Akala ko ba safe doon?
“Buti nga sa kanila mga bisaya, mayayabang kasi.”
 “Pakana lang yan ni Duterte para magka martial law.”
 “etc.etc.”

Haller! Kamusta naman ang mga lola at lolo ninyo, nanay o tatay na nasa kabilang buhay na? hindi ba sila bumalik sa lupa at sinampal ang mga pag mumukha niyo na walang galang sa buhay ng ibang tao?? Kailan pa tayo tinuruan ng mga guro natin na matuwa sa mga taong nawalan nang buhay dahilan lamang sa mga walang kabuluhang pinaglalaban?? Namatayan na ba kayo?

I have visited Davao City for so many times kasi may mga relatives ako doon.  I was planning too na doon na paaralin si Junior sa college. I love the City. I like the way people treat and love their place, that’s why when I learned the bombing sobrang nalungkot ako.

Sa Roxas, doon ako kumakain ng mga grilled na manok, pork at isaw. Shopping din ako sa ukay-ukay nila, yong ice cream ni Mang Danny naku po, ang sarap! (Sana okay lang siya), at ang mga tawanan na maririnig mo sa mga estudante at mga workers habang nag chi-chill chill lang. Ang mga nag titinda na hangad lang ay magka pera para may pang kain at pang matrikula. I can’t imagine they have lost their lives.

Sana makapasyal kayo sa Davao City bago ninyo sabihing “akala ko ba safe.” Sana try mong makipag friendly sa mga taga “davaoeño” at hindi sila lahat mayayabang. At kahit galit kayo kay Presidente Duterte, hindi niya kayang saktan ang siyudad at guluhin ang katahimikan na ilang dekada na niyang inalagaan. How dare you!

I know they can get through this. Matatapang ang mga bisaya! lalo na pag seguridad ang pinag uusapan.  At kahit anong sabihin mo pa, babalik at babalik pa rin ako sa doon dahil after all, Davao City’s still the safest city in the Philippines.

Be strong Davao just like your EAGLES.

I have you in my Prayers.

Insomia sa utang.

Happy Sunday sana ako ngayon, kaya lang na bad trip ako.

Una, insomnia.

Pangalawa, si kumare  kasi may utang sa akin. I reminded her to pay before the due date para iwas interest sa credit card.  Sabi lang naman nya “ah ok” at hanggang ngayon wala pa din. Kailangan ko ba syang i remind ulit? kasi ayoko.  Alam ko naman na tag tuyot sila ngayon, madami silang utang dahil sa naunsyaming negosyo at delayed pa ang sahod ni kumpare. I understand really, pero simpre utang is utang, at yong pera na yon ay ibabayad ko din sa utang ko!  O grabe diba umiikot lang ang utang ng mga ofw, and ending ako ang walang pangbayad ngayon.

Pangatlo, sabi ni other friend, intindihin ko na lang daw kasi nga gipit. Unawain ko daw kasi friendship ko sila. So, I must feel inconsiderate.  Okay sige, ako na ang mali.

Pero alam niyo ba talaga saan ako naiinis? Ang hindi man lang ako i inform na hindi sila makakabayad ngayon.  Ayoko ng silent type pagdating sa ganitong mga bagay, diretsahang nangutang, dapat diretsahang bayad or pasabi man lang, kasi ganyan ako pag may atraso kahit kanino man, sa ka close ko pa or hindi.

Sensya na, dahil wala din akong maayos na tulog dahil sa letsing insomia na’to kaya hindi ko magawang umintindi. Nakakainis talaga pag wala kang tulog!

Kung sino man ang may utang diyan lalo na sa mga OFW, please don’t assume na hindi namin kailangan ang pera. Please lang huwag mo ng hintayin na si kabayan pa ang mag re-remind sa inyo. Do your responsibility. Don’t break the trust dahil lang sa pera kasi ang cheap.

BE A RESPONSIBLE DEBTOR.

IMG_1509

BIRYANING PAKIKISAMA

Grabe, busog na busog ako. May birthday kasi dito sa office kanina at may free lunch na biryani.  Yup, BIRYANI (dish ng mga Indian), hindi ako kumakain nito dati, tingin ko pa lang sa itsura ng mag luluto parang nakakawala na ng gana, at the same time, ayoko din sa spicy food, feeling ko kasi I will get almoranas eh (sabi-sabi).

Well, change is constant diba?. Ikaw ba naman makakasama mo ay puro ibang lahi (Indian/Pakistani/Ehipto), mapipilitan ka talagang kumain sa pagkain nila lalo na pag may kaarawan or any celebration.  Hindi naman pwedeng mag request ng Filipino food, ano ako Prinsesa? Maarte lang diba?

Minsan, birthday ng office boy namin, grabe dalawang malalaking kaldero ng biryani ang handa nya. First time kong nakita yon at talagang tuwang-tuwa ako.  Kahit naka necktie sila Bossing, talagang binungkal yong biryani gamit ang napakalaking sandok, sabay sabi “Come Ms. Juan, give me your plate, you have to eat this one”.  Napalunok ako sa dami ng rice, gosh one cup of rice lang talaga pwede, pero you can’t say no, may prinsipyo akong sinusunod pagdating sa social obligation, eto ang pakikisama.

Ayun, kinain ko lahat at nag second round pa ako!.  Aba! masarap pala lalo na yong chicken, talagang malasa.  Patay gutom lang ang peg diba? Kunwari ayaw. After 30 minutes, may naramdaman akong kakaiba sa aking tiyan, guess niyo nalang, yon na yon.

At yan po ang simula ng aking biryaning pakikisama.

Minsan, you don’t have to be picky all the time to anyone, especially sa mga kasama mo araw-araw sa trabaho.  If you want to have a peaceful relationship with them, sakyan mo lang din minsan ang trip basta bah hindi harmful for you, ganyan naman tayong mga pinoy diba magaling sa pakikisama.

Nawala na ata ang antok ko dahil sa kabusugan, back to work na 🙂

stock-vector-seamless-vector-pattern-with-a-crowd-of-people-of-different-ages-races-and-nationalities-men-367441334